Cherries and Lemon

Friday, January 8, 2010

Isip isip

These last two months napapaisip ako tungkol sa pagmove on sa career(tawagin natin siyang luntian). Kasi naman yung ate ko umuwi at may isang kumakausap sa akin tungkol sa luntiang op. Napapaisip tuloy ako ngayon. Well wala naman akong balak pang magmove on pa within the next 3-6 mos. Masyado pang maaga feeling ko, wala pa akong alam, wala pa akong maibebenta. Actually di talaga yung pag move on ang iniisip ko. Ang iniisip ko e kung bakit wala akong long term or kahit short term goals para diyan.

Naiisip ko tuloy immature pa ako, wala akong plano kasi. Nabubuhay ako by the day at feeling ko dapat di ganito. Dapat nagsisimula na akong magisip ng "GAMEPLAN" ko. Paano na lang ako makakabili ng sarili kong bahay na fully paid na by 30? hehe. Ayoko din magpaalipin sa mga naglalakihan na comp ng matagal. Balak ko by the age of 40, retire na, haha ambisyosa.

Naiisip ko din kaya ako walang gameplan kasi iniisip ko pa yung gameplan din ng ate ko. Parang balak ko pa atang makikopya na lang ng move kasi tried and tested na haha. Pero siyempre gusto ko din ng ibang moves. Malay ba natin may shorter path pa haha, parang finding the shortest path lang.

Ewan ko, ngayon na ba or tsaka na? dito ba or doon? Basta hindi ngayon yun ang sigurado ako not in the next 6 mos.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home