Cherries and Lemon

Monday, November 1, 2010

to move on or not

oops not about love life hehe.. about career this time. When I first entered this company sinabi ko I'm giving myself one year hintayin ko lang na malift yung recession then magdedev talaga ako. It's been 1 year and 5 mos since then pero wala pa rin akong next steps. Dumating yung May sabi ko tatapusin ko lang ang Caramoan trip, natapos ang June sabi ko magHK muna ako para hindi mahirap magleave tapos na HK, tapos na Caramoan pero I'm still here. In all fairness naman sa company ko ngayon maluwag talaga parang nasa peyups lang ulit ako. Masaya ang crowd lalo na lately almost lahat ka age bracket ko or if not, ka wave length ko walang problema, walang negativities, kahit sobrang toxic carry lang. Kain/inom lang ang katapat solve na kami.

Pero dahil emo nga ako these days, napapaisip na din ako ng plano ko sa buhay kung ano ba ang gusto ko. Masaya kung masaya, ok ang salary kung sa ok, carry naman ang trabaho kung kakayanin pero eto ba talaga ang gusto ko. Lately, may nakikita na akong growth sa career ko, alam ko naman na may future ako dito e, pero sure na ba ako na dito na lang ako? It's between career vs dream and I'm torn. Feeling ko i needed to decide soon, ayoko na kasing tumagal dito kung eventually aalis din ako sayang lahat ng investment ko (effort, time, emotion, career) pero perang ayoko pang umalis :(. Ayaw ko pa din igive up ang dream kong job. Feeling ko nasa isang graph ako e the longer I stay here, the more my dream gets blurry.

I have one more dilemma pa pala ngayon ko kasi talaga na fefeel yung importance ko sa team, dati kasi bunso ako e, I have lots to depend on kahit di ako makinig andami kong pagtatanungan but now, di ko alam kung kaya ko silang iwanan sa ganitong status lalo na magaassume ko ng new role next month. Iniisip ko pa din hanggang ngayon kung tama bang tanggapin ko yung new role (december) tapos aalis lang din naman ako... waaah idk !

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home